'Pantawid ng Pag-ibig': Bigas hatid sa mga barangay ng bayan sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at May 08 2020 06:57 PM

Nakarating sa Famy, Laguna ang libo-libong sako ng bigas mula sa mga partner ng “Pantawid ng Pag-ibig” campaign ng ABS-CBN. ABS-CBN News

MAYNILA - Magsasaka ang 62 anyos na si Rosario Rillores at ang kaniyang mga anak.

Napapalibutan ang kanilang lugar ng mga palayan, pero umaasa lamang sila na mayroong mga bigas na ibinibigay bilang ayuda ngayong bawal silang lumabas dahil sa enhanced community quarantine.

“Malaki pong epekto sa amin. Walang hanapbuhay, walang kuha. Nabibigyan naman kami ng aming kapitan pero walang pera,” ani Rillores.

Aminado ang kapitan na si Emmanuel Laminero na hindi sapat ang kanilang pondo kaya kinakailangan nilang manghingi sa mnisipyo ng tulong.

“Kami po ay isang municipality lang po kaya hindi po namin kayang ibigay lahat sa pagtulung-tulong po naman ng galing po sa munisipyo May mga nagbibigay po sa atin ng mga donasyon para po pandagdag at pambigay po sa ating mga kabarangay na mas nangangailangan,” ani Laminero.

Nakarating sa Famy, Laguna ang libo-libong sako ng bigas mula sa mga partner ng “Pantawid ng Pag-ibig” campaign ng ABS-CBN at itinurn-over sa provincial government.

Ayon kay Rowena Paraan, pinuno ng ABS-CBN News public service, layon ng kampanyang maiabot ang agarang tulong sa mga nangangailangan.

"Ang layunin nung Pantawid ng Pag-ibig, para may immediate na assistance na maibigay doon sa lahat ng nangangailangan," ani Paraan.

Mahigit 4,000 tig-5 kilong bigas ang ipinamigay sa lahat ng barangay sa Famy, Laguna.

Malaking bagay ito, ayon kay Famy Mayor Edwin Pangilinan.

"Kung wala hong ayuda na manggagaling kagaya po sa inyo sa ABS-CBN ay talaga pong maaaring kulangin ang pangangailangan ng aming mga kababayan,” ani Pangilinan.

Malaki rin ang pasasalamat ni Rillores sa tulong na naiabot ng ABS-CBN.

"Salamat po sa mga katulad ninyo na nagbibigay ng tulong sa amin Kaya nakakaraos,” ani Rillores.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.