Binatang may kapansanan humagulgol sa tigil-ere ng ABS-CBN sa TV

ABS-CBN News

Posted at May 08 2020 01:35 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Dalawang araw matapos mag-sign off ang ABS-CBN sa telebisyon, marami pa ring Kapamilya ang emosyonal. 

Isa rito ang 17 anyos na si John Lloyd Luna na taga- Quezon City, isang person with disability. 

Kahit hindi nakakarinig at hindi nakapagsalita, hindi ito naging hadlang para mapamahal kay John Lloyd ang mga programa ng ABS-CBN. 

Sa video na ipinadala ng kaniyang ina na si Myrna, makikitang humahagulgol si John Lloyd dahil hindi na niya mapapanood ang kaniyang paboritong programa, “Ang Probinsiyano.” 

Ayon kay Myrna, humuhugot si John Lloyd ng Lakas at kasiyahan sa mga ipinapalabas ng Kapamilya network. 

Aminado sina Myrna na naninibago sila sa sitwasyon lalo na’t sanay sila na buong araw silang nakasubaybay sa network. 

Umaasa sila na maaayos din ang lahat at magbabalik-ere ang network giant. 

Mayo 5 nang magpalabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission sa pagpaso ng prangkisa ng network noong Mayo 4. 

Nakabinbin pa rin sa Kongreso ang mga panukalang layong ire-renew ng prangkisa nito. 

— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.