RECIPE: Sweet and sour spareribs

ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 10:20 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kung balak magluto ng spareribs ngayong araw, maaaring subukan ang sweet and sour na bersiyon nito. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinero na si Paulo Barcibe para ibahagi kung paano lutuin ang sweet and sour spareribs. 

Narito ang mga sangkap: 

  • Pork spareribs
  • Pineapple juice
  • Pineapple chunks
  • Carrot
  • Bell pepper
  • Pipino
  • Sibuyas
  • Bawang
  • Ketchup
  • Asukal
  • Asin
  • Paminta
  • Siling pansigang
  • Cornstarch

 Paraan ng pagluluto: 

Para sa spareribs: 

Igisa sa bawang at sibuyas ang spareribs hanggang maging light brown ito.

Lagyan ng tubig at pakuluan nang 30-45 minuto hanggang lumambot ang karne. Itabi.

 Para sa sweet and sour sauce: 

Igisa ang bawang at sibuyas.

Ilagay ang soup stock o pinagpakuluan ng spare ribs at pineapple juice.

Timplahan ng ketchup at asukal.

Ilagay ang carrots, bell pepper, pipino, siling pansigang, pineapple chunks, asin, at paminta.

Ilagay ang cornstarch at tunawin hanggang lumapot ang sauce.

Ilagay sa plato ang spare ribs at lagyan ng sauce.

Maaari nang ihain ang sweet and sour spareribs. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.