PatrolPH

RECIPE: Cheesy Maja Blanca

ABS-CBN News

Posted at May 06 2021 12:16 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Naghahanap ba ng inenegosyong pagkain ngayong tag-init? 

Maaari kang magluto ng maja blanca, isang panghimagas na tiyak na magpapatamis ng tag-init ng inyong kustomer. 

Sa "Taste to Taste" segment ng programang "Sakto" sa Teleradyo, ibinahagi kung paano magluto ng maja blanca. 

Narito ang mga sangkap:

  • 3 malalaking niyog (kinayod) 
  • 300 ml condensed milk 
  • 410 ml evaporated milk 
  • Malaking can ng cream-style corn
  • 1 1/2 cup asukal 
  • Cheese 

Paraan ng pagluluto:

Ilagay ang kinayod na niyog.

Sa unang piga, magbuhos ng 3 tasa ng mainit na tubig. Magdagdag pa ng 3 tasa ng tubig na room temperature. 

Haluin at bahagyang palamigin hanggang sa kaya nang hawakan. Pigaing mabuti hanggang lumabas ang katas. 

Pagsamahin ang kakang gata at ang ikalawang piga. Pagsamahin ang evaporated milk, condensed milk at cream-style corn. Haluing mabuti. 

Ilagay ang asukal. Haluin hanggang matunaw.

Isalang ang maja mixture sa katamtamang apoy. Pakuluin. 

Sa isang bowl, maglagay ng corn starch. Lagyan ito ng 3 tasang tubig. Haluing mabuti at siguruhing walang buo-buo. 

Hinaan ang apoy bago haluin ang cornstarch sa maja mixture. Ihalo nang tuloy tuloy. 

Lutuin nang 8 hanggang 10 minuto habang patuloy na hinahalo. Itigil ang paghahalo kapag “shiny” na ang texture nito. 

Mabilis tumigas ang mixture kaya kailangang nakahanda na ang mga lalagyan bago ito hanguin. 

Ilagay na ang maja. Palamigin bago lagyan ng toppings. 

Maaari nang ihanda ang maja blanca. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.