PatrolPH

RECIPE: Sardinas shanghai

ABS-CBN News

Posted at May 04 2020 01:34 PM | Updated as of May 04 2020 01:50 PM

Watch more on iWantTFC

Isa sa mga karaniwang pagkaing ayuda na ipinamamahagi ngayong panahon ng quarantine ay ang sardinas.

Kung sawa na sa paggisa ng sardinas, ibinahagi ni Winnie Cordero sa "Umagang Kay Ganda" ang isang espesyal na luto rito — sardinas shanghai.

Narito ang mga sangkap na dapat ihanda:

  • 1 lata ng sardinas
  • 1 maliit na carrots
  • 1/4 singkamas
  • 1/2 cup ng harina
  • 1 itlog
  • 1 sibuyas
  • 4 butil bawang
  • Asin
  • Paminta

Narito naman ang paraan ng pagluluto sa putahe:

  • Igisa nang tuyo ang sardinas sa bawang at sibuyas para mawala ang lansa
  • Pagkatapos igisa, palamiging mabuti at ihalo ang ginadgad at pinigang carrots at singkamas
  • Lagyan ng kaunting harina at isang itlog
  • Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa at haluing mabuti
  • Mas mabuting ilagay muna sa refrigirator ang mixture bago balutin ng lumpia wrapper
  • Iprito ang binalot na mixture at ihain
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.