PatrolPH

Ipon ng magkasintahan para sa kasal idinonate para sa COVID-19 relief

Maira Wallis, ABS-CBN News

Posted at May 04 2020 03:34 PM

BAGUIO CITY — Isang magkasintahan dito ang nagdesisyong ipagpaliban muna ang kanilang kasal at i-donate na lamang ang bahagi ng kanilang naipon para pang-ayuda sa mga apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
 
Kuwento ng couple na sina John Cleveland at Nanette Velasco, sa Hunyo sana gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib. 

Pero dahil sa pagkalat ng sakit, hindi na muna ito matutuloy. 

Dahil dito, nagdesisyon silang gamitin ang bahagi ng kanilang ipon pambili ng mga pangangailangan ngayon may krisis sa COVID-19. 

Ibinahagi nila ito sa frontliners.

Nagbigay din sila ng mga gulay para sa mga residente mula sa iba't ibang barangay sa Baguio City. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.