TINGNAN: Island hopping sa San Vicente, Palawan

Chinee Palatino, ABS-CBN News

Posted at May 02 2018 12:31 AM

Chris Castañas, ABS-CBN News

Chris Castañas, ABS-CBN News

Chris Castañas, ABS-CBN News

Chris Castañas, ABS-CBN News

Chris Castañas, ABS-CBN News

Chris Castañas, ABS-CBN News

Ngayong tag-init, subukan mag-island hopping sa Port Barton, San Vicente, Palawan.

Patok ang sunbathing sa Exotic Island habang snorkeling naman ang pagkakaabalahan sa Inaladelan Island, kung saan madalas may nakikitang pawikan.

Ayon sa ilang turista, payapa at langit sa pakiramdam nang makasabay nilang lumangoy ang pawikan.

“I saw a big one and I swam with it. It’s very peaceful. It’s heaven,” ani Gal Cameo, isang turista mula Israel.

Pwede ring mag-relax sa tabing-dagat habang minamasdan ang magandang tanawin.

Pagkatapos mag-enjoy sa Inaladen Island, next stop ang Twin Reef kung saan masusulit ang pagsisid sa dagat at makikita ang hiwaga ng underwater life.

Iba’t ibang laki, hugis at kulay ng mga isda ang makakasalamuha at mas lalong naging buhay na buhay ang kulay sa ilalim ng dagat dahil sa mga korales.

Sa dapit-hapon, kapag pagod at gutom na sa kalalangoy, maaaring dumaan muna sa Thelma Beach bago umuwi. Dito maaring magmeryenda habang pinapanood ang magandang paglubog ng araw.

Kung may lakas pa, puwede ring subukang mag-paddleboard kasabay ng paglubog ng araw.

Maaari ding mag-overnight sa Thelma Beach sa kanilang camping style na accommodation.

Sa mga nais ng ganitong summer adventure maaaring kontakin ang San Vicente Municipal Tourism Office: 0912-575-3279.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.