PatrolPH

Simpleng Bangus Festival, ginunita sa Dagupan City

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2021 02:29 PM

Simpleng Bangus Festival, ginunita sa Dagupan City 1
Mas simple ang selebrasyon ngayong taon ng Bangus Festival sa Dagupan City kung saan namigay ang lokal na pamahalaan ng bangus fry sa mga mangingisda. Larawan mula sa Public Information Office ng Dagupan City

DAGUPAN CITY -- Nag-alay ng panalangin at namahagi ng bangus fry sa mga mangingisda ng Dagupan ang lokal na pamahalaan ng lungsod bilang paggunita sa taunang Bangus Festival.

Taliwas ito sa nakaugaliang magarbong pagdiriwang ng okasyon.

Sa simpleng selebrasyon, binendisyunan ang abot 1,000 bangus fingerlings bago pakawalan sa Dawel River.
 
Namahagi rin ng 60,000 bangus fry sa mga mangingisda ng Barangay Salapingao.

“Ito pong releasing at distribution ng fingerlings sa ating mga kabaleyan mula sa island barangay ay isang simple gesture upang ipagdiwang ang Bangus Festival,” sabi ni Mayor Marc Brian Lim.

- Ulat ni Elaine Fulgencio-Español

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.