Tigil muna ang lahat ng live shows ng CCP resident companies

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 07:31 PM | Updated as of Apr 30 2020 08:53 PM

Tigil muna ang lahat ng live shows ng CCP resident companies 1

MANILA -- Inihayag ng chairman ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na si Margie Moran na magma-migrate muna sa online ang mga palabas ng CCP. 

Ipapalabas din ng libre online ang mga big shows ng CCP noon tulad ng "Rama Hari" at concert ng Philippine Madrigal Singers. Isang linggong available sa internet ang mga CCP shows.

“It’s for free. It will soon be a pay-for-a-digital-performance in a couple of months. We just did 'Alice and Friends.' The next is 'Rama Hari' on May 2 for one week,” ani Margie.

Inihayag na din ni Margie na tigil na muna ang lahat ng shows ng CCP resident companies tulad ng Tanghalang Pilipino, Ballet Philippines at iba pa. 

Pero susubukan ng CCP na ibalik ang original live performances sa Hunyo, pero online pa rin. “The first experimental one we will have is Virgin Labfest,” aniya.

“The hardest challenge is strategic planning to protect the lives and livelihood of artists," dagdag ni Margie.

"Yes, we share the same concerns. All artists and cultural workers are are affected. There will be no season this year for resident companies. They will have to be able to innovate by using new platforms in performance. CCP does not have the budget for dole outs. We are starting with Virgin Labfest as a production that will be livestreamed and the production staff and actors will be paid. We are planning other activities to protect the livelihood of artists,” aniya. 

Papalawakin din ng CCP ang kanilang online presence sa mga art workshop at music therapy sa pamamagitan ng Philippine Philharmonic Orchestra. 

Kailangang pag-aaralan pa nina Margie at CCP management ang posibilidad at mechanics ng pagtanggap ng donasyon para sa CCP.