Daan-daan lumahok sa fun run para sa halalan

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2019 07:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakiisa nitong umaga ng Linggo ang daan-daang tao sa fun run ng ABS-CBN News sa Quezon City, na layong hikayatin ang mga botante na lumahok at maging matalino sa pagboto sa darating na halalan.

Bukod sa mga hamong pang-obstacle course, may mga pampagana rin sa "Race Your Voice" — na idinaos sa Quezon Memorial Circle — para sa halalan sa Mayo 13. May mga tanong ukol sa pagboto at may parusa na katapat kapag nagkamali.

"Hinihikayat natin silang pag-isipang mabuti, kilatisin ang mga iboboto nila at gumawa ng desisyon base sa kanilang mga concerns, mga isyung malapit sa kanilang puso," ani Ging Reyes, pinuno ng ABS-CBN Integrated News & Current Affairs.

Kasama sa mga lumahok sa karera ang mga bata, matatanda, estudyanteng Bayan Patroller, at Kapamilya reporters at anchors.

Lumahok din ang mga artista gaya ng "Pinoy Big Brother: Otso" teen housemates, mga taga-"It's Showtime" at mga nag-viral dahil sa kanilang mga talento.

Nanumpa rin ang mga kalahok sa karera na itataguyod ang malinis na halalan.

--Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.