TFC News

Iba-ibang klase ng kape ng Pilipinas, bumida sa 2023 Coffee Expo Seoul

Gennie Kim | TFC News South Korea

Posted at Apr 27 2023 04:18 PM

Watch more News on iWantTFC

SOUTH KOREA - Bumida sa 2023 Coffee Expo Seoul sa South Korea ang iba-ibang klase ng kape ng Pilipinas.   

Bilang guest country ang Pilipinas sa taunang event na ito, siniguro ng Philippine Trade Investment Center o PTIC sa Seoul sa pakikipagtulungan ng embahada ng Pilipinas at Philippine Agriculture Office ng Seoul na maayos na maipakikilala ang ating mga kape.    

“Different coffee from the Philippines Cordillera, Batangas, Bukidnon and Davao and also Western Visayas...different flavor and profiles...very interesting especially for Korean consumers,” pahayag ni Jojie Dinsay, Commercial Counselor ng Philippine Trade and Investment Center o PTIC Seoul. 

“Ito mga dala natin ngayon for the Coffee Expo...arabica, robusta, and the barako,” sabi ni Juliet Lucas ng DTI-Cordillera. 

At para sa mga Koreanong tumikim ng kapeng Pinoy, pasado ito sa kanilang panlasa lalo na ang ipinagmamalaking kapeng barako ng Batangas.   

Itinampok din sa expo ang mga coconut product mula sa ilang probinsya gaya ng Quezon kung saan ang syrup at crema ay ginagamit na sangkap para sa mas masarap na kape.    

Patuloy ang PTIC at Philippine Agriculture sa Seoul sa pag-promote ng mga produkto mula sa Pilipinas na inaasahang tatangkilikin din ng mga taga South Korea.             

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.