PatrolPH

Wonderland Plaza bagong atraksyon sa Tarlac City ngayong summer

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2022 01:16 PM

Kinagigiliwan ng mga taga-Tarlac City ang bagong bukas na Wonderland Plaza sa lungsod.

Ang themed park ay programa ng city government upang mapalakas ang turismo at mabigyan ng bagong paglilibangan ang mga Tarlakenyo.

Walang entrance fee sa naturang pasyalan subalit pinapayuhan ang lahat na panatilihin ang kaayusan sa paligid.

Tampok sa Wonderland Plaza ang green space na pwedeng gawing picnic area.

Mayroon ding mga life-sized cartoons at superhero character na patok sa mga bata.

Pagsapit ng gabi, nagliliwanag ang buong parke sa mga makukulay na ilaw at fountain show.

Target ng lokal na pamahalaan na may pasyalan ang mga residente na hindi na lalayo pa lalo na’t may banta pa rin ng COVID-19 transmission.

Pantanggal din umano ito ng caution fatigue sa mga residenteng nakararanas na ng bagot dahil sa matagal na pananatili sa bahay dala ng COVID-19 restrictions.

Matatagpuan ang Wonderland Plaza sa tapat mismo ng city hall at bukas ito ng Martes hanggang Linggo mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. — Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.