PatrolPH

KathNiel may hatid na mensahe sa mga Kapamilya sa gitna ng pagsubok

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2021 07:49 PM | Updated as of Apr 26 2021 08:16 PM

MAYNILA — Isinatinig nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang bagong mensaheng nais ipabatid ng ABS-CBN sa bawat Kapamilya sa harap ng isang taon na napuno ng pagsubok. 

Watch more on iWantTFC

Sa kabila ng sunod-sunod na dagok na humagupit sa Pilipinas, patuloy pa rin itong nalalagpasan ng mga Pinoy dahil sa pagsasama-sama ng pamilya. 

Isang madilim na taon din ang pinagdaanan ng ABS-CBN dahil sa pandemya at pagkawala ng prangkisa nito sa kamay ng Kongreso. 

Ngunit sa gitna ng matinding hamon na ito, pasasalamat pa rin ang nananaig sa puso ng mga Kapamilya dahil pinakita nilang hindi nila iiwan sa ere ang network. 

Sa katunayan, mas lalo pang dumami ang mga Kapamilya dahil sa mga bagong kaagapay ng ABS-CBN sa paghahatid ng serbisyo sa bawat pamilyang Pilipino. 

Sa tinig ng KathNiel, ito ang mensahe ng ABS-CBN sa bawat Kapamilya: "Kayo po ang aming liwanag at ligaya—ang nag-iisang dahilan ng aming pagiging ABS-CBN."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.