Pantawid ng Pag-ibig: Libo-libong pamilya sa 2 bayan sa Rizal nakatanggap ng food packs

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2020 04:40 PM | Updated as of Apr 25 2020 08:02 PM

Handog ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN, sa pakikipagtulungan ng Musikahan Bayanihan at Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid, ang ipinamahaging food packs sa mga nasabing bayan. ABS-CBN News

MAYNILA - Halos hindi na makalakad sa paglobo ng kaniyang tiyan ang 49 anyos na si Myrna Rivera, residente ng bayan ng Baras, Rizal, dahil sa tumubong tumor sa kaniyang obaryo. 

Kailangan niyang maoperahan pero hindi makapag-CT scan dahil sa kawalan ng budget. Dalawang taon nang iniinda ni Rivera ang sakit. 

"Kung sino man po ang may magandang puso kaunting tulong lang po ang hinihingi ko. Pang-CT scan lang po," aniya. 

Natigil pa sa trabaho ang kaniyang mister na tsuper mula noong mag-enhanced community quarantine sa Luzon. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasama si Rivera sa mga nag-aabang ng food packs sa covered court ng Baras na handog ng Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN sa pakikipagtulungan ng Musikahan Bayanihan at Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid. 

Bukod sa kaniya, mahigit 1,500 pamilya ang naabutan ng food packs sa Baras. 

Palaala ni Baras SNPP core leader Emilyn Ganapil, gamitin nang maayos ang nakukuhang ayuda mula sa gobyerno. 

"Kami bilang mga 4Ps beneficiary, 'pag once po ng taghirap o taggutom, kami 'pong mahihirap ang una pong tinatamaan," aniya. 

Nakapagdala rin ng food packs ang Pantawid ng Pag-ibig sa 3,000 pamilya sa relocation site sa Barangay Mayangbacal sa bayan ng Morong, RIzal. 

Sa pag-iikot, ipinarating ng ilang residente ang kanilang hinaing na hindi pa umano sila nakatatanggap ng cash aid mula sa DSWD.

Paliwanag ni Lorelie Bedaña, isang social welfare officer ng Morong, hindi rin daw kasama sa opisyal na census ang karamihang nasa relocation site dahil wala pa silang 5 taon sa bayan. 

"Not all can avail. At higit po sa lahat ang SAP po ay designed sa hindi existing sa dati na mahirap. Ito po doon sa mga working group na naapektuhan na hindi makapagtrabaho," ani Bedaña.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa iba pang mga naging partner ng proyektong ito:

  •  CDO Foodsphere
  •  Champion Detergent
  •  Coca-Cola
  •  Colgate Palmolive
  •  Great Taste 3-in-1
  •  Hana Shampoo
  •  International Pharmaceuticals Inc.
  •  Kopiko
  •  Ligo Sardines
  •  Lucky Me
  •  Mega Sardines
  •  Quick Chow Noodles
  •  Rebisco
  •  Safeguard

Kung nais tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito: 

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.