Larawan mula kay Charisse Gabriel
Hinangaan ang pagmamalasakit na ipinamalas ng isang residente sa Batac City, Ilocos Norte sa mga pusa sa kalsada sa gitna ng ipinapatupad na enchanced community quarantine.
Kwento ng guro na si Freddie Aribuabo, gabi-gabing pumupunta si Jannete Gabriel sa Barangay 1-S ng lungsod malapit sa sikat na Batac riverside empanadahan para magpakain ng mga pusa.
“I am so thankful na may mga tao pa rin na maganda yung kanilang kalooban na magpakain ng stray cats,” ani Aribuabo.
Kapansin-pansin na raw ang pangangayayat ng mga pusa at dahil animal lover si Jannete, ay hindi niya pinapabayaang magutom sila.
Marami na rin inampong pusa si Gabriel.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog News, Regional News, Batac City, Ilocos Norte, cats, enhanced community quarantine, Luzon lockdown