Tiyak na mahuhulog ang loob ng nature lovers at mga turista sa iba't ibang waterfalls ng Bulusan, Sorsogon.
Isa sa mga bantog na talon ay ang Hulugan Falls.
Bago marating ang naturang destinasyon, kailangan munang sumakay ng all-terrain vehicle ng turista at mag-hike para matunton ang napakalinaw na anyong-tubig ng waterfalls.
Isang oras na lakaran naman, mararating ang tinatawag na kambal busay o kambal na talon na alok din ang malamig at malinis na tubig para sa mga nais magtampisaw.
Isa pang ipinagmamalaki ng Bulusan ang Bayugin Falls.
Patok ito sa mga bata dahil hindi gaanong kataasan ang talon at puwedeng paglundagan ng mga chikiting na gustong mag-swimming.
Marami rin ang spring resort sa Bulusan.
Hindi rin dapat palampasin ang pamamasyal sa Bulusan Lake kung saan puwedeng mamangka o mag-kayak ng mga bakasyunista.
Bagong atraksyon din sa bulusan ang canopy walk na mahigit 300 metro ang haba.
Doon, mas matatanaw ang ganda ng kagubatan.
-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, TV Patrol, TV Patrol Top, TV Patrol Weekend, tag-init, pasyal, biyahe, pasyalan, summer destination, turismo, nature, tourism, kalikasan, waterfalls, talon, canopy walk, Bulusan, Sorsogon