PatrolPH

Magkakaibigan naglatag ng libreng 'food stopover' para sa delivery riders sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2020 03:25 PM

Magkakaibigan naglatag ng libreng 'food stopover' para sa delivery riders sa Makati 1
Ang hakbang ang ika-4 beses na nagsagawa silang magkakaibigan ng relief operations, ayon sa Bayan Patroller na si Anali Lorraine Mojica. Photo courtesy: Anali Lorraine Mojica

Bilang suporta sa mga delivery rider na naghahatid ng iba't ibang serbisyo sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019, naisipan ng magkakaibigan na bigyan sila ng pagkain sa bisa ng isang "food stopover." 

Ang hakbang ay ang ika-4 beses na nagsagawa ang magkakaibigan ng relief operations, ayon sa Bayan Patroller na si Anali Lorraine Mojica. 

"'Yong target namin talaga ay yung masisipag nating delivery riders na tumutulong sa atin ngayong lockdown. Kasi dapat pati sila i-cheer at i-salute natin ngayong may ganito tayong pandemic," ani Mojica. 

Namimigay na sila ng mga relief goods sa mga tao sa kanilang lugar magmula pa noong Abril 6. 

Ayon pa kay Mojica, tuwang-tuwa ang mga rider dahil bihira lang umano sila mapansin at ma-appreciate.

Dagdag pa niya, patuloy pa rin silang mamimigay ng relief goods at sa susunod ay tutulungan naman nila ang mga garbage collectors at pangangailangan ng mga sanggol.

Masaya si Mojica at kanyang mga kaibigan sa resulta ng kanilang ginagawang tulong. 

"Super natuwa kami, nakakawala din ng pagod kasi na-appreciate nila,” dagdag niya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.