TINGNAN: 2 tuta nasagip mula sa pananalasa ng Bagyong Bising
ABS-CBN News
Posted at Apr 20 2021 05:47 PM
Naiwan ng kanilang amo ang 2 tuta nang biglang tumaas ang baha. Photo courtesy of Palapag MDRRMO
Naiwan ng kanilang amo ang 2 tuta nang biglang tumaas ang baha. Photo courtesy of Palapag MDRRMO
PALAPAG, Northern Samar— Hindi lang mga taong na-stranded sa baha ang na-rescue ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa bayan na ito mula sa epekto ng Bagyong Bising.
Kabilang din sa kanilang nailigtas ang 2 tuta na inabot ng baha sa kanilang tirahan noong kasagsagan ng pananalasa ng Bising noong Lunes.
Naiwan ng kanilang amo ang 2 tuta nang biglang tumaas ang baha.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Palapag MDRRMO ang 2 tuta.
—Ulat ni Sharon Evite
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, rehiyon, region, regional news, regional, regions, Palapag, Northern Samar, Bagyong Bising, BisingPH, tuta, puppy, site only, slideshow