Veggie balls in mango sauce

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2019 02:35 PM

Naghahanap ka ba ng mura pero manamisnamis at masustansiyang merienda para sa mga chikiting ngayong Semana Santa? 

Maaari mong subukang gumawa ng veggie balls in mango sauce, na tiyak na papatok sa panlasa ng mga bata. 

Ibinahagi ni guest kusinero Fr. Virgilio Mendoza ng Sanctuario de San Pedro Bautista Parish kung paano lutuin ang veggie balls in mango sauce. 

Kuwento ni Mendoza na isa sa paboritong ulam nila sa simbahan tuwing Semana Santa sa simbahan. 

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap: 

  • Kamote
  • Carrots
  • Gabi
  • Repolyo
  • Itlog
  • Paminta
  • Asin
  • Oyster sauce
  • Asukal
  • Bawang
  • Sibuyas
  • Keso
  • Harina
  • Bread crumbs

MANGO SAUCE 

  • Mangga
  • Oyster sauce
  • Asukal
  • Asin
  • Paminta
  • Bawang
  • Mantika
  • Mantikilya

Paraan ng pagluluto: 

Veggie balls: 

Gayatin ang lahat ng gulay, ilagay sa isang malaking bowl at haluing mabuti. Timplahan ng asin, paminta, at asukal.

Gumawa ng bola-bola mula sa ating mixture, lagyan ito ng keso sa gitna at pagulungin sa harina, itlog, at bread crumbs.

Ilubog sa mainit na mantika ang veggie balls, hayaang maging golden brown bago hanguin.

Mango sauce: 

Hiwain nang pino ang hinog na mangga, isantabi.

Maggisa ng bawang sa mainit na mantika at mantikilya bago ilagay ang mangga.

Timplahan ng oyster sauce, asin, asukal at paminta. Hayaan hanggang lumapot ang sarsa.

Kapag malapot na ang sarsa, ilagay ang veggie balls at hayaang kumulo ng ilang minuto bago hanguin.

Maaari nang ihain ang veggie balls in mango sauce. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.