17 barangay sa Malaybalay nawalan ng kuryente dahil sa mga nabuwal na puno

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2021 04:14 PM

Nabuwal ng malakas na hangin ang 2 puno sa plaza sa Malaybalay City, Bukidnon ngayong Abril 18, 2021. Retrato mula kina Jul Pimentel at Hannah Santillan

Nasa 17 barangay sa Malaybalay City, Bukidnon ang nawalan ng kuryente ngayong Linggo matapos mabuwal ang 2 puno dahil sa malakas na hangin.

Natamaan kasi ng mga nabuwal na puno sa may public plaza ang pangunahing linya ng kuryente ng lungsod.

Isang motorsiklo naman ang tinamaan ng natumbang puno.

Patuloy na nagsasagawa ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng clearing operation.

Ayon sa state weather bureau na PAGASA, hindi man direktang dinaanan ng Bagyong Bising ang Northern Mindanao, nagdulot pa rin ito ng malakas na hangin at ulan sa rehiyon.

-- Ualt ni Rod Bolivar

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.