PatrolPH

PANOORIN: TikTok libangan ng ilang netizens, personalities ngayong quarantine

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 09:07 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hindi na bago ang mobile app na TikTok. 

Pero ngayong naka-lockdown ang ilang parte ng bansa dahil sa coronavirus, kaliwa’t kanan ang mga nakikitang video ng mga personalidad.

Ang aktres na si Jodi Sta. Maria, naglabas ng kaniyang take-off ng “Tala” ni Sarah Geronimo na pinamagatang “Gala.” 

Ginamit naman itong mensahe ni cabinet Secretary Karlo Nograles sa pagsuporta sa frontliners. 

Narito rin si Presidential Spokesperson Harry Roque. 

May iilan ding inilarawan ang kanilang mga karanasan habang naka-lockdown gaya ng paghabol sa curfew. 

Mayroon ding naglarawan ng kanilang pag-physical distancing sa mga grocery, at sa pila sa relief goods. 

May mga spoof din at mga kumasa sa TikTok dance challenge na celebrities gaya ni John Pratts, at Rez Cortes. 

Pero paalala sa mga TikTokers: huwag kalimutang magsuot ng maskara para makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19.) 

— Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.