PatrolPH

High school sa Iligan City may 'virtual graduation' para sa mga estudyante

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2020 02:54 PM

Watch more on iWantTFC

Ngayong kanselado ang mga school events dala ng banta ng coronavirus disease 2019, naisipan ng isang eskuwelahan sa Iligan City na magpa-virtual graduation sa kanilang mga estudyante. 

Kani-kaniyang pag-record sa cellphone ang mga estudyante at mga guro ng Iligan City National High School, at live itong na-broadcast sa Facebook ng isang guro para sabay-sabay mapanood ng mga estudyante.

Naisip ito ng eskuwela para maipadama sa mga mag-aaral ang kanilang tagumpay sa pagtatapos sa senior high school. 

Tampok din ang speech ng isang estudyanteng nagtapos with honors, na nagpalakas ng loob ng kaniyang mga ka-batch sa gitna ng krisis sa COVID-19. 

Isinailalim sa enhanced community quarantine ang Iligan City dahil sa banta ng nakahahawang sakit. 

May 12 kumpirmadong kaso na sa Northern Mindanao, kung saan napapaloob ang Iligan City. Tatlo rito ang namatay at tatlo naman ang gumaling sa sakit. 

-- May ulat ni Roxanne Arevalo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.