Muling idinaos nitong Abril 16, 2023 ang Angels Walk for Autism awareness campaign matapos mahinto simula 2020 dahil sa COVID-19 pandemic. ABS-CBN News
Aabot sa 10,000 tao ang dumalo sa isang event para sa mga batang may autism ngayong Linggo sa Pasay City.
Ito ang unang beses na muling isinagawa ng Autism Society Philippines ang awareness campaign na Angels Walk for Autism, matapos mahinto simual 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
"Transformation" ang tema ng pagdiriwang ngayong 2023 dahil bukod sa pagbibigay ng kamalayan tungkol sa mga pangangailangan ng mga taong may autism, nais din ng organisasyon na mabigyan sila ng mas maraming pagkakataon na makapag-ambag sa lipunan sa pamamagitan ng paglikha ng trabaho para sa kanila.
Ayon kay outgoing Autism Society Philippines president Mona Magno-Veluz, mayroon silang partnerships sa 52 kompanya sa bansa at nitong 2020 lang ay naging katuwang na rin nila ang isang New-York based company.
Kasama sa mga dumalo sa event ang ilang artista na may mga anak na children with special needs.
Nakiisa rin ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines, na simanahan ang ilang bata sa stage.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.