PatrolPH

PANOORIN: Alagang aso nakikisayaw sa video shoot ng estudyante

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2022 01:44 PM | Updated as of Apr 18 2022 12:57 AM

Watch more News on iWantTFC

Habang sumasayaw si Janna Patricia Elevado ng bayan ng Daet, Camarines Norte para sa kanyang PE project, sumasabay din ang kanyang alagang asong si Mocha. Courtesy: Benny Elevado

Kakaiba ang ginawa ng isang alagang aso habang gumagawa ng video project ang isang estudyante sa bayan ng Daet, Camarines Norte. 

Habang sumasayaw si Janna Patricia Elevado para sa kanyang PE project, sumasabay din ang kanyang alagang asong si Mocha, isang shipoo o Shih Tzu at poodle mix.

Ayon kay Benny Elevado, ama ni Janna na siyang nag-upload ng video, hindi nila tinuturuang sumayaw ang alaga dahil bihira silang sumayaw sa bahay.

Sadyang mahilig lang daw sumayaw ang 2-taong gulang na si Mocha. 

Sa isang video, makikita rin na sumasabay si Mocha sa sayaw na cha-cha.

-- Ulat ni Aireen Perol

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.