TFC News

Swiss-Pinay make-up artist, tagumpay sa kanyang ‘dream job’

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Apr 15 2023 04:45 PM | Updated as of Apr 15 2023 06:34 PM

ZURICH – Nakakabilib ang Zurich-based Swiss-Pinay make-up artist na si Reslie Mundwiler-De Castro. Pinakita agad niya ang ilang magaganda at nakaka-akit na cover models ng national at international magazines, kung saan siya pala ang make-up artist.

2
Source: resliemundwiler.ch  (Photo courtesy of Reslie Mundwiler-De Castro)

Malayo ito sa karerang gusto sana ni Reslie: ang maging teacher sa Pilipinas. Pero dinala siya ng pag-ibig sa Switzerland noon kaya nagbago ang takbo ng buhay niya. Tubong Zamboanga ang 43-taong gulang na si Reslie at may tatlong anak.

1
Source: resliemundwiler.ch  (Photo courtesy of Reslie Mundwiler-De Castro)

May dalawang dekada na rin siyang naninirahan sa Switzerland kasama ang pamilya. Ngayon, ‘living her dream job’ na si Reslie na ang karera bilang make-up artist, nagsimula lang sa katuwaang photoshoot noong 2012 dahil sa kaibigang photographer.

“Sabi niya (ng kaibigan), mag-photoshooting tayo. Yung friends ko, ako nag make-up sa kanila kahit wala akong idea sa make-up. Ang saya ko matapos ko silang ma-make-up-apan. So sabi ko, bakit ‘di ko ito seryosohin,” kwento ni Mundwiler-De Castro.

portrait
Reslie Mundwiler-De Castro (Photo courtesy of Ralf Eyertt)

Kahit tutol noon ang kanyang mister na Swiss, nagsumikap siyang mag-aral ng pagme-make-up.

“I’m enjoying this passion, so I said if you do not want to support me, I will support myself. Meron akong part time job, ang ginawa ko nagbayad ako ng instalment sa tuition,” paliwanag ni Mundwiler- De Castro.

May diploma si Reslie mula sa London Academy of Freelance Make Up at kumuha rin siya ng master classes pagkatapos.

Taong 2013 nagsimula si Reslie na maging professional make-up artist. Importante raw ang diploma o certificate of qualification pero mas mahalaga ang impressive portfolio.

“Clients do not ask for your diploma, they only ask for your photos and your portfolio. I invested a lot. Sa make- up pa lang, my whole salary napupunta make-up,” saad ni Reslie Mundwiler-De Castro.

34
Source: resliemundwiler.ch (Photo courtesy of Reslie Mundwiler-De Castro)

Proud si Reslie na naging celebrity make-up artists sa exclusive fashion show ni Jean Paul Gaultier at Giambattista Valli sa Paris at naging bahagi na rin siya ng fashion week shows sa Europa. 

Maraming Asian actresses na rin siyang nakatrabaho. “Sometimes it's overwhelming because I work behind the scenes. You have to be consistent. If you want something, go for it,” dagdag ni Mundwiler-De Castro.

Tumutok si Reslie sa wedding make-ups. Dito siya nagkapangalan dahil sa kanyang signature “no make-up look.”

models12
Source: resliemundwiler.ch/wedding (Photo courtesy of Reslie Mundwiler-De Castro)

“I make a lot of money in the bridal industry; if you’re passionate about what you do, do it! In the beginning, you have to invest. I have worked a lot for free in the beginning,” sabi ni Mundwiler-De Castro.

Tiwala sa sarili at pag-level up ng talento, ‘yan ang naging puhunan ng dating promdi upang patuloy namapaganda ang kanyang buhay at karera.

345
Source: esliemundwiler.ch/wedding (Photo courtesy of Reslie Mundwiler-De Castro)

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Switzerland tumutok sa TFC News sa TV Patrol.