TFC News

Pinoy women-inspired films itinampok sa Paris

Marilyn Rayray | TFC News France

Posted at Apr 15 2023 01:39 PM

PARIS – Inihandog ng Philippine Embassy sa Paris at ng Film Development Council of the Philippines ang kapupulutan ng aral na empowered women-inspired films at dokumentaryo ng batikang Filipino film directors sa libreng screening ng Cine Filipina sa Paris kamakailan,

“We were given the titles and list of films, stories about women tapos doon na kami pumili ng ipapalabas namin. At tulad ng inilabas namin ngayon, makaka-relate po ang mga kababayan natin lalo na ang mga kababaihan,” sabi ni Marikit Deganos at Edelyn Pellosis ng Philippine Embassy sa Paris.

1
Image courtesy of Film Development Council of the Philippines

Tampok ang award-winning films na “Sonata” ni Peque Gallaga at Lore Reyes, “Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?” ni Jose Javier Reyes at “Ang Babae Sa Likod Ng Mambabatok”, isang documentary na dinirehe ni Loren Faustino. Ipinalabas ang mga pelikula sa mga nagdaang Biyernes nitong Marso.

2
Image courtesy of the Film Development Council of the Philippines

Sa huling screening day, ipinalabas ang “Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?” na pinangungunahan ng beteranang aktres na si Rustica Carpio kasama si Ryan Agoncillo, Jackie Lou Blanco at Bobby Andrews.

3
Image from the Film Development Council of the Philippines

Ang pelikula ay tungkol sa buhay ni 'Teresa' na ginugol ang 65 taon bilang yaya at kasambahay ng isang middle-class family.

Ang kapalaran niya ay nakasalalay sa magkakapatid na inalagaan niya at pinalaki na may mga sarili nang buhay sa ibang bansa.

Open-ended man ang istorya, hinangaan pa rin ang kuwento at plot ng pelikulang kinapulutan ng aral, sumalamin sa kultura at tipikal na buhay ng Filipino migrants. “It’s a very interesting movie, I really enjoyed the different scenarios suggested by the different children about selling the house and what to do with the yaya.

It was particularly interesting in the youngest son because you can see he faces strong conflict," sabi ni Labussiere, nakapanood ng pelikula ni Reyes.

“It’s a good encapsulation of the dilemma faced by many of our kababayans whether as OFWs or as Overseas Filipinos. You can see here the protagonists are migrants who have established their own roots in other places but they’re still quite attached to their old traditional home and it's a struggle for them to leave behind this part of their life. So it can sympathize with the struggles and dilemmas that they face,” saad ni Eric Gerardo Tamayo, Deputy Chief of Mission.

“Yung sa ending, medyo nakakabitin pero so far may mga lesson learned, lalo na tayo na nagsisikap para sa ating pamilya. Kailangan talaga nating mag-invest kasi darating ang panahon wala nang mag-aasikaso sa atin. At least, tayo na sa sarili natin, sa ating mga investment o income na pinaghandaan natin ngayon. Then wala na tayong magiging problema kung ang ating mga kamag-anak ‘di na tayo papansinin,” sabi ni Jing Lasta, president, VISAMIN Association.

Ang hanay ng mga pelikula ay pinili bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month nitong nakaraang buwan.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa France, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

PANOORIN ANG TRAILERS:

(Film Trailers courtesy of the Film Development Council of the Philippines) 

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC