HOERSTEL - Iba-ibang istilo ng pagluto ng putaheng Pinoy adobo ang nagpasarapan sa ginanap na ’Likha´t Latik’ event ng Dollglam Productions sa Hoerstel, Germany kasama ang Philippine Consulate sa Frankfurt kamakailan.
Photo courtesy of Dollglam Productions
Sa ginanap na ‘Adobo Cook-Off Challenge,’ na nilahukan ng mga Pinoy na tubong Ilocos Region, Metro Manila, at Visayas Region, ipinamalas ng mga Pilipino ang galing sa pagluluto ng iba-ibang bersyon ng sikat na pagkaing Pinoy.
Photos courtesy of Dollglam Productions
Nagwagi ang taga-Ilocos Region na si Lulu Sagun sa kanyang bersyon na Ilocano beef adobo. Ang mga naging challengers naman ay sina Ivy Chabon-David na naghain ng pork floss adobo, Lalaine Kunze na may pinakuratang adobo, Giselle Calisin na nagpatikim ng Calisin family’s adobo sa gata at hot & smokey adobo fusion ni She Hapka.
Lulu Sagun (Image from Paula Gutierrez-Salangsang / Dollglam Productions)
Photos courtesy of of Dollglam Productions
“Thanks to my father for his recipe. My father is the one who taught me how to cook. Every time he cooks, he always asks me to do it with him,” sabi ni Sagun, winner, Cook-Off Challenge.
Panawagan ni Vice-Consul Fatima Mueller sa Pinoy food enthusiasts, food vloggers, at chefs sa Germany, ibida ang adobo para mas makilala pa ang masarap at madaling ilutong pagkaing Pilipino.
Photos courtesy of Dollglam Productions
“I- promote pa po ninyo ang masustansiya at mabilis iluto na Pinoy putahe lalo na at samantalahin ang lumalaganap na trend ng pagkain sa buong mundo katulad ng “Asian style“ at sustainable, healthy at fast food options. We are here to support you at itong pagtipon-tipon na ito’y patunay na ang mga Pinoy sa Germany ang totoong ambassadors ng Pilipinas dito sa Germany,” pahayag ni Vice-Consul Mueller ng Philippine Consulate sa Frankfurt.
Buong araw ding ipinamalas ng mga Pinoy mula sa Germany, Europe, Canada, at Pilipinas ang kanilang talento sa larangan ng pagluluto; gayundin sa sining at kulturang Pinoy dahil maliban sa Adobo Cook-Off Challenge, ibinida rin ang mga disenyo at produkto ng Filipino designers at maging ang musika at sayaw ng Pilipinas.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Germany, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Photo courtesy of Paula Gutierrez-Salangsang
KAUGNAY NA VIDEO: