PatrolPH

PANOORIN: ‘Spider-Man’, nagbigay ng relief goods sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2020 02:39 PM | Updated as of Apr 14 2020 04:05 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA — Maliban sa mga frontliner na game na ginagawa ang lahat para makapagserbisyo sa gitna ng banta ng coronavirus disease, mayroon ring iba pang real-life heroes na ginagawa ang lahat para magbigay tulong sa mga nangangailangan.

Isa na rito si Estefred Cordero Jr. na nagbihis pa bilang si Spider-Man habang nagbibigay ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng lockdown sa Sta. Lucia, Victoria, Tarlac.

“Favorite charater ko po talaga si Spider-Man kaya sinuot ko po nung nagbigay kami para kahit paano ay maibsan ang kalungkutan na nararamdaman nila at makapagbigay ng saya kasabay nang pag-abot ng tulong sa kanila,” ani Estefred.

Hindi rin nagpahuli ang tinaguriang “Incredible Family of Quezon City” na ginawang mamahagi ng pagkain sa mga nangangailangan habang nakasuot ng “The Incredibles” costumes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.