PatrolPH

Designer gumawa ng protective suits hango sa mga kulay ng PH flag

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2020 04:44 PM | Updated as of Apr 12 2020 07:09 PM

Designer gumawa ng protective suits hango sa mga kulay ng PH flag 1
Gumawa ng protective suits ang Ilonggo fashion designer na si Ram Silva na may mga kulay na hango sa bandila ng Pilipinas. Retrato mula kay Ram Silva

Para bigyang pugay ang frontliners na nangunguna sa laban kontra coronavirus disease (COVID-19), isang fashion designer mula Iloilo City ang gumawa ng protective suits na hango sa mga kulay ng watawat ng Pilipinas.

Ipinamahagi ng designer na si Ram Silva ang flag-inspired suits sa frontliners sa lungsod at iba pang bahagi ng lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay Silva, isa sa mga hamon sa kaniyang pagtulong sa frontliners ay ang pag-aalala ng kaniyang pamilya, lalo at lantad din siya sa banta ng COVID-19 dahil personal niyang ipinapaabot ang mga gawang personal protective equipment (PPE) sa mga ospital.

Designer gumawa ng protective suits hango sa mga kulay ng PH flag 2
Gumawa ng protective suits ang Ilonggo fashion designer na si Ram Silva na may mga kulay na hango sa bandila ng Pilipinas. Retrato mula kay Ram Silva

"I am also risking my life kasi I am exposed to people," ani Silva sa panayam ng ABS-CBN News.

"'Yung challenge is paano namin mapaintindi sa families namin that we are doing this for a good cause. Luckily, supportive naman sila," dagdag niya.

Ang mga materyales na ginagamit ni Silva sa paggawa ng PPE ay donation mula sa lokal na pamahalaan at mga pribadong indibiduwal.

Designer gumawa ng protective suits hango sa mga kulay ng PH flag 3
Kilala rin si Ram Silva sa paggawa ng protective suits na hango sa Spanish crime series na 'Money Heist.' Retrato mula kay Ram Silva

Naunang makilala si Silva sa paggawa ng protective suits na hango sa Spanish crime series na "Money Heist." 

Sa kabuuan, nakagawa na ng higit 400 PPEs at higit 2,050 piraso ng face mask si Silva para sa frontliners sa Iloilo.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.