PatrolPH

Babae sa Davao City namigay ng 1,200 itlog kasabay ng Easter Sunday

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2020 03:46 PM

Babae sa Davao City namigay ng 1,200 itlog kasabay ng Easter Sunday 1
120 pamilya ang nabigyan ng libreng itlog at bawat isa ay nakatanggap ng tig-10 piraso. Retrato mula kay Mae Cruz.

DAVAO CITY — Namigay ng 1,200 pirasong itlog ang residenteng si Mae Bautista sa kaniyang mga kapitbahay sa Elenita Heights Subdivision ngayong Easter Sunday, at bilang ayuda na rin sa gitna ng community quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Halos 120 pamilya ang nabigyan ng libreng itlog at bawat isa ay nakatanggap ng tig-10 piraso.

Sabi ni Bautista, gusto niyang ibahagi sa iba ang kaniyang biyaya lalo na't may kinahaharap na krisis ang bansa dahil sa COVID-19.

Mahirap ding makalabas ng bahay dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine kaya siya na mismo ang namili at namigay ng itlog.

Noong nakaraang Linggo, namigay na rin siya ng 720 itlog sa mga kapitbahay na senior citizens.

—Ulat ni Vina Araneta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.