PatrolPH

Tulong bumuhos para sa ina mula Laguna na hirap maghanapbuhay para sa 4 na anak

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2021 02:56 PM | Updated as of Apr 11 2021 05:52 PM

Tulong bumuhos para sa ina mula Laguna na hirap maghanapbuhay para sa 4 na anak 1
Marami ang nagpaabot ng tulong kay Cristine Ercita, isang ina sa Santa Rosa, Laguna na nangangalakal ng basura para kumita para sa 4 niyang anak. ABS-CBN News

Bumuhos ang tulong sa isang ginang sa Santa Rosa, Laguna na nahirapang maghanapbuhay para sa 4 niyang anak matapos ipatupad ang enhanced community quarantine sa lalawigan.

Nauna nang naipalabas sa "TV Patrol" noong Miyerkoles Santo si Cristine Ercita, na nasapul ang kabuhayan bilang mangangalakal ng basura sa mga fast food restaurant matapos isailalim sa mahigpit na quarantine measure ang NCR Plus, na kinabibilangan ng Laguna.

Matapos maipakita sa telebisyon ang kaniyang kuwento, maraming nagpaabot ng tulong at nagbigay ng cash, mga grocery items at diaper.

"Masaya po kasi po may tumulong sa akin. Hindi na po ako nakakapos ng pagkain sa mga anak ko," sabi ni Ercita.

Watch more on iWantTFC

Bukod sa supplies, agad ding tinugunan ng isang negosyanteng ayaw magpakilala ang hiling ni Ercita na mapaayos ang kanilang tirahan sa Barangay Aplaya.

Isang maliit na kuwarto lamang ang tirahan nila at unti-unti nang nasisira ang dingding.

Nagpadala ang naturang negosyante ng mga plywood para mapalitan ang dingding ng bahay.

"Maraming, maraming salamat po sa nag-abot sa akin ng tulong, sa nag-donate po na mapagawa ang bahay ko," mensahe ni Ercita sa mga tumulong.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.