'Styro art' ibinebenta ng Ilocano artist para makatulong sa mga umaaray sa Luzon lockdown

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2020 11:44 AM

Nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P10,000 ang mga obra ni Juan Elani Tulas. Gagamitin ang pondo mula rito para makapamili ng relief goods para sa mga nangangailangan. Juan Elani Tulas

SINAIT, ILOCOS SUR - Sa kagustuhang tumulong sa mga kababayan ngayong may enhanced community quarantine, naisipan ng isang Ilokano artist na ibenta ang ilang bahagi ng kaniyang art collection para makapamili ng relief goods para sa mga nangangailangan. 

Tampok si Juan Elani Tulas sa kaniyang "Styro Art" na gawa sa mga styrofoam. 

Nakukuha umano ni Tulas ang kaniyang materyales sa mga fast food chain at mga natitirang styro mula sa loob ng karton ng mga appliances. 

Naglunsad rin siya ng online exhibit na pinamagatang "Silpo Ti Biag" o "Pandugtong ng Buhay." 

Nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P10,000 ang mga obra ni Tulas. 

Aniya, ang kaniyang benta ay ibinibili agad ng mga relief goods.

Prayoridad niya ngayong mabigyan ng ayuda ang mga indigent. 

Sa mga interesado, puwedeng magpunta sa kaniyang art gallery. Maari rin siya makontak sa Facebook account

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.