Good vibes: Lalaki nag-Spiderman costume nang mamigay ng relief goods sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2020 12:06 PM | Updated as of Apr 13 2020 09:27 PM

Good vibes ang hatid ng isang lalaking namigay ng relief goods na nakasuot ng Spiderman costume sa Barangay Sta. Lucia sa Victoria, Tarlac. Larawan mula kay Estefred Cordero Jr.

VICTORIA, Tarlac - Good vibes ang hatid ng isang lalaking nag-viral sa social media nang mamigay ng relief goods na nakasuot ng Spiderman costume sa Barangay Sta. Lucia dito sa Bayan.

Kinilala ang "Spiderman" ng Victoria, Tarlac na si Estefred Cordero Jr, isang photographer.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Cordero, kahit ordinaryo lang siyang mamamayan, nais niyang makapagbigay ng konting tulong sa kaniyang mga kapitbahay at makapagbigay-saya na rin lalo’t naka-lockdown ang probinsya ng Tarlac.

May lamang hotdog, gulay, pansit mami at itlog ang kaniyang ipinamigay sa mga kapitbahay. 

"Nais ko po kasing magbigay ng good vibes sa mga kapitbahay at maging inspirasyon na rin na kahit konting tulong ay makatulong sa iba," ani Cordero.

Bukod sa mga residenteng naghahatid tulong, tuloy din ang gobyerno sa relief distribution sa probinsiya para sa mga pamilyang apektado ng quarantine.

-- Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.