98-anyos na beterano ng digmaan, pinarangalan

Rodirey Salas, ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2018 10:17 PM

DAVAO CITY — Higit sa sampung mga World War 2 veterans ang pinarangalan at binigyang pugay sa selebradyon ng Araw ng Kagitingan sa Veteran’s Memorial Shrine sa Davao City nitong Lunes.

Isa na rito ang 98-anyos na si retired Lt. Col. Zacarias Morales ng 5th Photographic Squadron ng Philippine Army Air Corps.

Maliban sa Battle of Bataan, naranasan niya ang hirap na pinagdaanan sa Death March hanggang makatakas at nakauwi ng Mindanao. 

Nakatanggap ng medalya ang mga beteranong Pilipino katulad ng Liberty medals at World War II medals.

Nag-alay naman ng bulaklak at 21 gun salute para sa mga namayapang bayani.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.