PatrolPH

8 anyos sa Camarines Norte ginamit ang ipon sa alkansya bilang tulong sa COVID-19 frontliners

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2020 11:48 AM

8 anyos sa Camarines Norte ginamit ang ipon sa alkansya bilang tulong sa COVID-19 frontliners 1
Bilang tulong sa frontliners na nakikipag-laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) naisip ng isang 8 anyos at ng kaniyang mga kapatid na ibigay ang kanilang ipon. Photo courtesy: Erlisa Arnaldo

PARACALE, Camarines Norte -- Bilang tulong sa frontliners na nakikipag-laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) naisip ng isang 8 anyos at ng kaniyang mga kapatid na ibigay ang kanilang ipon. 

Dalawang taong inipon ng 8 anyos na si Cyrill Arnaldo, residente ng bayan na ito, ang natitira niyang baon sa eskuwelahan. 

Umabot sa P15,489 ang naipon ng bata, na ibibigay umano nila sa mga frontliner sa kanilang lugar, ayon kay Cyrill. 

"Para po makatulong sa kanila kasi sila din naman po ang nagagamot sa mga tao na may sakit," paliwanag ni Cyrill.

Bukod kay Cyrill, binuksan din ng iba pang mga kapatid ang kanilang alkansiya, ayon sa ina na si Erlisa Arnaldo.

Tinanggap na ng lokal na pamahalaan noong Lunes ang donasyon at naipamahagi na umano ito sa mga health worker ng bahay. 

"Tunay ngang ang mga kabataan ay may malakasait para sa ating bayan. Maraming salamat po," ayon kay Romeo Y. Moreno, alkalde ng Paracale. 

-- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.