PANOORIN: Gretchen Ho pinatikim ng inihaw na uod

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2019 03:32 PM | Updated as of Apr 07 2019 06:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tila napasubo ang Kapamilya host na si Gretchen Ho nang patikimin siya ng mga Aeta ng tambilok, isang uri ng uod na iniihaw.

Binisita ni Ho ang isang komunidad ng mga Aeta malapit sa Mount Pinatubo sa programang "Matanglawin."

Nakuha ng mga katutubong sina Romulo Atanacio at Bernie Cabalic ang nasabing mga uod mula sa kawayan, binalot ang mga ito sa dahon ng saging at inihaw.

"Ganito po pangkaraniwan kinukuha namin sa bundok, iniihaw, niluluto sa apoy at kinakain," ani Atanacio.

"Ang lasa po nito ay parang ginataan," ani Cabalic.

Pero matapos tikman ang mga uod, sinabi ni Ho: "Ginataan? Malayo sa ginataan."