Quiapo Church magsasagawa ng online pabasa

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2020 01:51 PM

Sa kabila ng ipinatupad na lockdown sa buong Luzon bunsod ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), iginiit ng pamunuan ng Quiapo Church na tuloy pa rin ang mga aktibidad para sa Semana Santa, na isasagawa online.

Bukod sa pagpapalabas ng misa sa TV, mapapanood din ang misa sa official Facebook page ng Quiapo Church.

Magsisimula rin ngayong gabi ng Lunes ang Pabasa ng Pasiong Mahal, na mapapanood din sa Facebook page.

May 3 set ang Pabasa -- una ay sa alas-7 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi, panaglawa ay alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw, at huli ay alas-3 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi.

Puwede rin umanong sumabay ang viewer kung may kopya sila ng libro ng Pasiong Mahal.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.