KILALANIN: Internet sensation na si 'Ms. Everything'

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2020 01:17 PM

MAYNILA -- Hindi inakala ni Ericka Camata na aabot sa milyon ang views ng kanyang mga video, kung saan nakilala siya bilang si "Ms. Everything."

Sa panayam kay MOR 101.9 DJ Jhai Ho, ikinuwento ni Ericka na nagsimula lamang sa katuwaan ang paggawa niya ng mga video, na 'di nagtagal ay nagdala ng good vibes sa mga Pinoy sa iba't ibang parte ng mundo.

Nakatira sa Samar si Ericka at tumutulong sa bahay kasama ang kanyang ate, kuya, at lola.

"Nag-eenjoy lang po ako sa ginagawa ko," ani Ms. Everything, na nakilala sa kanyang kakaibang paggamit ng wikang Ingles.

"Pinost ko lang po ['yung video] na parang normal lang... tapos may nag-message sa akin na milyon na raw po ['yung nanood] ng videos. Ah really, I've never been before," pabirong dagdag niya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasubukan mang sumali at mag-place ni Ericka sa mga pageant, hindi raw talaga niya naisip na pumasok sa showbiz.

Ngunit nang tanungin ni DJ Jhai Ho kung bukas siya sa ideya sakaling may oportunidad, patawang sagot niya: "Actually kung ganoon po, opportunity, why not accept the opportunity to deliver myself?"

Inamin ni Ericka na si James Reid ang kanyang showbiz crush, at may mensahe pa ang Internet sensation sa aktor.

"Hi Kuya James Reid, are you feeling right now? Well, umuwi ka na po rito, 'di na po ako galit," aniya.

Para naman sa mga nasa bahay ngayong lockdown, narito ang mensahe ni Ms. Everything: "Keep safe always and stay at your home, don't ever lock the driveway... and keep the distance, one liter distance."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.