TFC News

Alamin ang Pinoy films na ibinida ng PH sa Berlinale 2023

TFC News

Posted at Apr 01 2023 06:23 AM | Updated as of Apr 01 2023 06:37 PM

BERLIN - Muling nasilayan sa pinilakang tabing ang Filipino classic film na ‘Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag’ ng premyadong direktor at National Artist for Film ni Lino Brocka pero hindi sa Pilipinas kundi sa Germany.

1
'Maynila sa Kuko ng Liwanag' movie poster (Image courtesy of The Film Development Council of the Philippines)

Isa lang ang obra ng mapayapang dakilang direktor sa ibinida ng delegasyon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa taunang Berlinale o Berlin International Film Festival at European Film Market (EFM) na ginanap noong February 16 hanggan 26, 2023 sa Germany.

2
Lino Brocka (Image courtesy of ABS-CBN News Channel)

Kabilang sa mga pelikulang Pilipino na hinangaan sa festival ang mga obra ng 31-taong gulang na Stephen Lopez na ‘Hito’ sa Generation 14 plus section screening at ang obra ni Brocka sa ilalim ng Retrospective section screening.

3
'Hito' movie poster (Image courtesy of Sound Goat)

Ayon kay Lopez, panahon na para bumalik ang sigla ng pelikulang Pilipino. Masaya siyang makasali sa Berlinale, ngunit nalulungkot siya sa sitwasyon ng movie industry sa Pilipinas.

“Parang sureal kung baga na nandito ako sa Berlin, at the same time, medyo malungkot dahil dito ko pa kailangang ipalabas ang pelikula ko bago sa Pilipinas kasi ginawa ko naman ito para sa mga Pilipino,” sabi ni Stephen Lopez, Pinoy filmmaker.

6
Image courtesy of Sound Goat
5
Image courtesy of Sound Goat

Humanga rin si Lopez sa pagpapahalaga ng mga Aleman sa sining ng pelikula. Hindi raw kulang sa talento ang Pilipinas pero sana’y mapaunlad ang industriya ng pelikulang Pilipino para hindi maiwanan ng ibang mga bansa.

“Natuwa naman ako, kasi iba yung film culture dito sa Berlin. Hindi tulad sa Pilipinas na sa tingin ko konti na lang ang nanonood ng sine. Pero sa tingin ko dahil sa Berlinale, napupuno talaga nila yung sinehan. Marami talagang nanonood dito,” dagdag ni Lopez.

Ang 'Hito’ ay isang ‘science fiction’ film tungkol sa isang 14-taong gulang na babae sa probinsya na namumuhay sa kanyang sariling mundo.

6
Image courtesy of Sound Goat

Isang hito na nagsasalita ang kanyang tanging kaibigan at kasama sa kanyang paglalakbay sa buhay. Dumayo rin sa Berlinale ang Pinoy filmmakers na sina Raquel Medina, Sari Dalena, at Ma. Christa Grace Manikan para networking events upang mas lalo pang mapalalim ang kanilang filmmaking skills sa pandaigdigang entablado.

Kinatawan ng aktor na si Bong Cabrera, production designer Eero Francisco, at mga film directors na sina Demi Dangla, Martika Escobar, at Dean Marcial ang Pilipinas sa Berlinale Talents, ang taunang summit at networking event ng nasabing festival.

Sinuportahan din ng FDCP upang magkaroon ng EFM Market badges ang ilang Filipino companies tulad ng ABS-CBN, Clayshop, Fusee, Los Otros Film Productions, at UXS Inc. upang katawanin ang Filipino film market.

8
Si Direk Stephen Lopez kasama si ‘HITO’ lead actress Kyrie Allison Samodio sa pagbubukas ng Berlinale 2023. (Photo courtesy of Sound Goat)

Kasama rin sa Philippine delegation ang Epicmedia Productions, Inc. para sa Company Matching Program. Sa pagtatapos ng Berline, nag-host ang FDCP ng Philippine Cinema Night upang mapalawig pa ang koneksyon at network ng mga Filipino firmmakers at kanilang international partners at stakeholders.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Germany, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

PANOORIN ANG TRAILER NG 'HITO'

Watch more News on iWantTFC