PatrolPH

Mikee at Dodot Jaworski, ipinasilip ang Greek-inspired rest house sa Tagaytay

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 10:27 PM | Updated as of Apr 01 2019 07:44 AM

Ipinasilip ng celebrity couple na sina Robert Jaworski Jr. at Mikee Cojuangco-Jaworski ang kanilang bahay at ang kanilang bagong rest house sa Tagaytay City.

Ayon sa mag-asawa, kasama nila ang kanilang mga anak sa pagdisenyo sa kanilang hotel-resort.

Ang mga kuwarto at ang activity area, siniguro ng pamilya Jaworski na magugustuhan rin ng ibang mga pamilya.

Ang kapatid ni Dodot na si chef Ryan Jaworski naman ang namamahala sa pagkaing inihahanda sa resort ng pamilya.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.