PatrolPH

Mag-amang musikero nag-alay ng awitin para sa kapwa nila COVID-19 frontliners

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2020 04:03 PM

Video courtesy: Rappy Laxa

MAYNILA — Musika ang alay ng isang mag-ama sa mga frontliner na tumutugon sa patuloy na paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. 

Sa video, makikita si Rappy Laxa, gamit ang kaniyang saxophone, at ama niyang si Ansel Laxa, gamit ang gitara, na tumutugtog ng kanilang bersiyon ng "Awit ng Paghahangad."

Ito anila ay pagsaludo at panalangin para sa frontliners na nagsasakripisyo maiwasan lang ang pagkalat ng COVID-19.

Parehong frontliner si Rappy, na nagtatrabaho sa bangko, at kaniyang ama, na empleyado naman ng Sasmuan, Pampanga LGU.

Bilang mga musikero, naisipan ng mag-ama na idaan sa pagtugtog ng saxophone at gitara ang kanilang mensahe na hindi pababayaan ng Diyos ang frontliners. 

Sa huling tala, umabot na sa 1,418 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, 71 dito ang namatay at 42 ang nakarekober.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.