Tampulan ng tukso noong kaniyang kabataan si Joseph Tamballa na tubong Calauag, Quezon.
"Pinagtatawanan nila ako noong nag-aaral ako noong Grade 1 pero nangatwiran din ako sa kanila. Sabi ko mabuti nga pasalamat kayo hindi kayo katulad ko," pagbabahagi niya sa KBYN.
Ipinanganak siya na mahina ang mga binti kung kaya't walang kakayanang makapaglakad.
"Noong binubuntis ako ng nanay ko daw, ipinaglihi ako sa balot, 'yung balot na pabaluktot na ganiyan," aniya.
Para makagalaw, nilalagyan niya ng bota ang mga tuhod at ng tsinelas naman ang mga kamay.
Kilala si Tamballa sa Quezon bilang si 'Boy Gapang' na 17 taong naghahanapbuhay bilang tagagabay sa mga motorista malapit sa riles ng tren sa Gumaca.
"Araw-araw po 'yun kahit naulan lagi nandodoon po siya kada-dadaan kami," kuwento ng bus driver na si Ariel Panaligan.
Humanga sa dedikasyon at sipag ni Boy Gapang para sa pamilya dito lamang sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama si Kabayan Noli de Castro.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.