MAYNILA -- Hinangaan sa social media si Mark Anthony Baguio, isang digital artist mula Pasig City, dahil sa kanyang mga digital artworks na sumasalamin sa kanyang mga detalyadong karanasan noong kabataan.
Tampok dito ang mga animated scenario ng pang-araw-araw na buhay niya, tulad ng mga diorama ng paglalaro ng mga bata sa computer shop, burger stand, at iba pang eksena sa kanyang tahanan.
Sa panayam kay Baguio sa Lingkod Kapamilya, ibinahagi niya na nagumpisa siya sa pag-aaral ng 3D art nang masira ang kanilang bahay dahil sa Bagyong Ondoy.
Nasira ang kanyang mga litrato at wala nang natira kung hindi ang kanyang mga alaala. Naisip niya na gawin itong pagkakataon upang maipakita ang kanyang mga nakaraang karanasan.
“Sa akin po wala akong makita, nung after nung Ondoy wala na po akong ma-browse so parang nasa isip ko na lang lahat yon…Naisipan ko po siyang pag-aralan kung paano ko ba magagawa yung mga nasa isip ko noong mga nakaraan namin," sabi niya.
Digital art, patok sa social media
Digital art, patok sa social media
Digital art, patok sa social media
Digital art, patok sa social media
Digital art, patok sa social media
Digital art, patok sa social media
Digital art, patok sa social media
Sa paggawa ng artwork, sinabi ni Baguio na mahirap at kailangan niya pang ulitin ang kanyang mga artwork para maipakita ang tamang emosyon.
"Nung college po ako, doon ako nahilig mag-3D. 'Yung isang artwork po minsan umaabot ng isang linggo. Tapos minsan umaabot po ako ng isang buwan kasi po minsan, kunwari nagawa ko na po siya parang kapag pinlay ko po after, hindi ko po makuha ang emotion parang uulitin ko ulit. Minsan from scratch uulitin ko ulit para lang makuha ko yung emotion na gusto ko," aniya.
Dagdag pa ni Mark, nabebenta niya ang mga ito sa pamamagitan ng stickers sa kanyang online shop.
"Mga fans ko po ang mga bumibili. May mga nagre-request po kasi ng mga physical copy kaya nagbebenta na lang po ako ng stickers or postcards," dagdag pa niya.
Para sa mga iba pang mga likha ni Baguio, bisitahin lamang ang kanyang Facebook Page na Gunitain.Art. - Ian Jay Capati, ABS-CBN News Intern
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.