RECIPE: Pork liver steak

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2019 10:59 AM | Updated as of Mar 21 2019 11:14 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patok sa panlasang Pinoy ang pork steak. 

Pero kung nais ang mas kakaibang bersiyon ay maaaring isahog ang atay ng baboy, na malasa at punong-puno ng protina.

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” ngayong Huwebes ang guest kusinero na si Carlo Yalung para ibahagi kung paano magluto ng pork liver steak. 

Ihanda ang mga sumusunod na sangkap: 

• Atay ng baboy
• All purpose flour
• Toyo
• Kalamansi
• Sibuyas
• Paminta
• Asin
• Butter
• Tubig
• Mantika

Paraan ng pagluluto:

Timplahan ng asin at paminta ang atay ng baboy at iprito

Igisa ang bawang kasama ang atay

Ilagay ang harina, toyo, kalamansi juice at tubig

Timplahan ng asin at paminta at pakuluan nang sampung minuto

Sa hiwalay na kawali, tunawin ang butter at ilagay ang sibuyas

Timplahan ng asin at dagdagan ng tubig

Lutuin hanggang lumambot at maging kulay brown ang sibuyas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.