MAYNILA -- Pinasok na rin ng mang-aawit na si Elha Nympha ang pagnenegosyo.
Sa naging pagbisita ni Nympha sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi nito na sa personal niyang ipon kinuha ang pagbubukas ng Bien Fait, isang food stall na nagbebenta ng steak sa Gyud Food UP Food Hub sa loob ng University of the Philippines noong Enero.
"Last year po napag-isipan ko po dahil medyo maraming events, marami ang earnings bakit po hindi ako mag-start ng business. If ever na malugi kaya ko naman po ma-recover. So sabi ko, 'Mama, magbi-business po muna ako.' Naka-ipon po ako for that like personal savings ko po," pauna ni Nympha.
"Nag-start po ako nung January 28, nag-soft opening po kami then February nag-grand opening po kami. Food stall po siya sa may UP. Parang 'yung canteen na 'yon is yung official na canteen ng UP na kaka-open lang, 'yung Gyud Food katabi po siya ng Mang Larry's. Tapos super dami ng food stalls, super ganda ng foot traffic kasi lahat ng students doon kumakain," dagdag ni Nympha na sinabing may business partner siya sa negosyo.
Isa sa mga pangarap ni Nympha, na nanalo sa "The Voice Kids" noong 2015, ang magkaroon ng sariling restaurant.
"Siyempre po very fulfilling at feeling blessed po kasi 'yon ang isa po sa dream ko. ... Mahilig po kasi ako mag-multitask at marami po akong pinapangarap," ani Nympha.
Sa ngayon, isa si Nympha sa online host nang pinakabagong season ng "The Voice Kids Philippines."
Kaugnay na video:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.