PatrolPH

'Binibini,' walang pagsisisi sa tapat na sagot sa Q&A

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2018 10:14 PM

Watch more on iWantTFC

Hindi inakala ng kontrobersiyal na Binibining Pilipinas contestant na si Sandra Lemonon na mas aani siya ng papuri kaysa pambabatikos sa kaniyang tapat na pagsagot sa ibinatong tanong sa kaniya ng hurado sa question-and-answer portion ng naturang pageant.

Humarap si Lemonon sa ABS-CBN News nitong Martes matapos ang ilang araw na pag-iwas sa internet at social media.

"I was ashamed because of all the time everyone invested in me... but in the end, no, I'm supper happy with all the support that I received. Grabe talaga!" sabi ni Lemonon.

"I was terrified, I really thought I was not gonna be at all appreciated and loved for what I did that night, I was really really scared for being honest," aniya.

Si Lemonon ang pinakauna mula sa top 15 na humarap sa mga hurado sa question-and-answer.

Itinanong sa kaniya ng huradong si Megawide Construction Corp. chairman Edgar Saavedra: "What are your insights on the government’s 'Build, Build, Build' program?"

Ang "Build, Build, Build" ang programang pang-impraestruktura ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinugon ni Lemonon: "I studied so much for this Q&A, but sadly that's something that I don't know really much about. But at least I'm here trying to answer a good question. Thank you."

Nag-trend at naging meme pa sa social media ang sagot ni Lemonon.

Pero ayon kay Lemonon, naliwanagan na siya sa tanong at wala siyang pinagsisisihan sa nangyari.

Natatawa na lang si Lemonon, lalo at naging kasangkapan pa umano siya para pasikatin ang programa ng gobyerno.

"I do not regret anything," aniya. "If I had to answer it now, I would've said, 'Of course, I'm pro-building infrastructure.'"

Kuwento ni Lemonon, dumami pa ang kaniyang mga tagasunod sa social media.

"I'm not known in Instagram. I only had four thousand followers and now I have ten thousand," kuwento niya.

Nangako si Lemonon na babawi siya sa pageant.

"I will be back. Stronger and wiser," ani Lemonon.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.