TINGNAN: Mga nagniningning na alitaptap puwedeng dayuhin sa Donsol

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2022 03:38 PM

Watch more News on iWantTFC

 

Tampok ngayon sa bayan ng Donsol, Sorsogon ang river cruise kung saan maaaring pagmasdan ang mga alitaptap na nagniningning sa Barangay Ogod. 

Nagkakahalaga ng P1,250 ang isang bangka para sa apat na tao na tatagal ng isang oras habang nanonood ng mga alitaptap. 

Nakamamanghang pagmasdan ang mga alitaptap habang animo’y nagkakaroon sila ng kasiyahan dahil sa mga kumikislap at kinang nilang mga ilaw. 

Sa kabila ng hirap na dulot ng pandemya, tila nagkaroon naman ito ng magandang epekto sa mga alitaptap dahil mas dumami umano ito kumpara noong wala pang pandemya. 

Bagamat isang buwan na mula nang buksan ulit sa publiko ang firefly watching, iilan pa lamang ang turistang sumubok nito. 

Kailangan lang dalhin ng mga turista ang kanilang vaccination card. 

-- Ulat ni Aireen Perol