PatrolPH

PANOORIN: Lola sa Occidental Mindoro umiindak habang naka-quarantine

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2020 05:37 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Game na game sa pagsasayaw ang 72 anyos na si Helen Abecentipo habang naka-quarantine, base sa post ng kaniyang anak. 

Sa video na in-upload ng Bayan Patroller na si Gem Abecentipo, makikitang umiindak si Helen. Parte aniya ito ng daily routine ng 72 anyos lalo ngayong laganap ang coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Kuwento ni Gem, matagal nang hilig ng kaniyang ina ang pagsayaw at pag-ehersisyo sa umaga. 

Kahit pa bulag na raw ito sa isang mata, hindi ito hadlang para magpatuloy siya sa pag-indak.

Payo ni Gem sa iba pang seniors na patuloy mag-ehersisyo para mas lumakas pa ang kanilang katawan.

Isinailalim noong Lunes sa "enhanced community quarantine" ang buong Luzon kung saan inaabisuhan ang mga tao na manatili sa bahay sa gitna ng banta ng COVID-19. Napapabilang dito ang Occidental Mindoro, na nasa Mimaropa region. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.