PatrolPH

TINGNAN: Giant Strawberry Cake, ibinida sa La Trinidad, Benguet

ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2023 05:34 PM | Updated as of Mar 19 2023 11:34 AM

Larawan mula sa PIA Benguet.
Larawan mula sa PIA Benguet.

BENGUET (UPDATE) — Bumida ang twin giant strawberry cake sa Strawberry Festival ng La Trinidad, Benguet ngayong Sabado. 

Ang giant strawberry cake ay may taas na 7 feet, may habang 14 feet, at diameter na 5 feet. 

Hahatiin ang giant cake sa 16,000 na piraso. Ang 1,000 piraso ay ipamimigay habang ang iba ay ibebenta ng P30 kada slice. 

Narito ang ilang mga larawan ng giant cake na maaaring puntahan sa munisipyo ng La Trinidad. 

Giant Strawberry Cake, ibinida sa La Trinidad, Benguet 1
Giant Strawberry Cake, ibinida sa La Trinidad, Benguet 2
Giant Strawberry Cake, ibinida sa La Trinidad, Benguet 3
Giant Strawberry Cake, ibinida sa La Trinidad, Benguet 4

Larawan mula sa PIA Benguet

Larawan mula sa PIA Benguet

Larawan mula sa PIA Benguet

Larawan mula sa PIA Benguet

Magtatagal naman pagdiriwang ng Strawberry Festival hanggang Marso 29. 

Sa panayam ng Bayan Mo iPatrol Mo, ipinaliwanag ni La Trinidad tourism officer Valred Olsim na ang pagdiriwang ng Strawberry Festival ay pagpapasalamat sa masaganang ani.

Inaasahan din ng lokal na pamahalaan na ang pagdiriwang ay makatutulong sa pagpapaunlad ng turismo, lalo't nagluwag na ang restrictions ngayong panahon ng pandemya, ayon kay Olsim.

Ayon naman kay Capt. Angeline Hombrebueno, public information officer ng La Trinidad police, higit 300 police at trainee ang itinalaga para bantayan ang kaligtasan at seguridad sa gitna ng pista.

Ngayong taon din bumalik ang pagdiriwang ng Panagbenga Festival sa Baguio matapos ang tatlong taong hiatus dulot ng COVID-19 pandemic. 

Ang Panagbenga ay isang Kankanaey na termino para sa “season of blooming.” Ito ay isang annual flower festival na dinaraos sa "summer capital of the Philippines."

Pinagdiriwang nito ang kasaysayan at kultura ng Baguio at ng Cordilleras sa pamamagitan ng pag-showcase ng kanilang mga produko, tradisyon at sayaw. 

—May ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News at ng Bayan Mo iPatrol Mo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.