PatrolPH

Siklista mula Cagayan, nilibot ang Pilipinas sa loob ng 23 araw

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2021 02:30 AM

Siklista mula Cagayan, nilibot ang Pilipinas sa loob ng 23 araw 1
Mula Cagayan, tagumpay na dumating sa General Santos City ang siklistang si Reynaldo “Igman” Tarubal, na nilibot ang Pilipinas sakay lang ng bisikleta. Kuha ni Aurora Ansagay

GENERAL SANTOS – Mula sa bayan ng Baggao, Cagayan, tagumpay na dumating nitong Martes sa General Santos City si Reynaldo “Igman” Tarubal, ang siklistang nilibot ang Pilipinas bitbit ang kanyang adbokasiya.

Dalawampu’t tatlong araw pumadyak si Tarubal na may layong higit 3,000 kilometro mula hilaga hanggang timog. Hindi na niya ininda ang kanyang pagod, maiparating lang sa publiko ang kanyang panawagan.

Nais ng siklista na makalikom ng pondo para maka-ambag sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga indigenous people ng Sierra Madre. Naniniwala siyang dapat mabigyan ng patas na atensyon ang mga katutubo sa Sierra Madre.

Isinusulong din niya ang pangangalaga sa kalikasan. Isa na rito ang pagtaguyod ng “billion trees planting project” sa Baggao, Cagayan.

Sana raw ay dumami pa ang mga Pilipinong gagamit ng bisikleta at mabigyan ng atensyon ng pamahalaan ang paglalaan ng bike lanes.

Ikinatuwa naman ni Tarubal na sa kaniyang pagbiyahe ay may mga nakilala na ring grupo ng mga siklista.--Ulat ni Chat Ansagay

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.